Gabay sa paggawa ng iyong Crochet Pattern Template

Naranasan mo na bang gumawa ng sariling pattern o lumihis mula sa sinusundang hakbang sa crochet? Nagawa mo na bang mag-experimento at gumamit ng ibang sukat ng yarn? Nasubukan mo na bang magdisenyo ng iyong sariling pattern sa paggantsilyo?

Ang template ay labis na makatutulong, dahil hindi mo na kakailanganin pang mag-layout ng paulit-ulit upang makagawa ng digital files ng iyong pattern. Ito rin ay makatutulong upang magkaroon ng katangi-tanging itsura ang iyong mga dokumento.

Kamakaila’y sinubukan kong gumawa ng template na aking gagamitin para itala ang aking mga nagagawang ginantsilyo, at para magkaroon ako ng maayos na PDF na kopya. Nais kong ibahagi sa inyo ang mga simpleng paraan kung paano makagawa ng iyong template:

Untitled86787
Learn More on Crochet Standards

1. Basahin at unawain ang mga istandard na mga paraan at simbolo sa paggagantsilyo. Makatutulong ito sa pagoorganisa ng mga datos sa iyong magagawang template. Maari itong makita sa craftyarncouncil.com/standards. Kung nais mo ang PDF version, maari mong i-download ang file sa http://media.craftyarncouncil.com/files/CYC_YS_s_and_g_rev2015_6.pdf

Untitled3
Download Garment Care Symbols
Untitled2
Download Skill Level and Yarn Weight Symbols

2. I-download ang mga files na kakailanganin tulad ng mga logo ng yarn weight at skill level, at mga simbolo ng tamang pag-aalaga sa tela at yarn. Ito ay matatagpuan sa sumusunod na mga links: http://craftyarncouncil.com/symbols.html, lucijanblagonic.github.io/Washicons

Office_Lens_20170611-025346[1]
Gumawa ng sketch ng nais mong pagkaka-ayos.
3. Mag-isketch ng pangunahing layout para maisaayos ang paglalagyan ng bawat elemento:

  • imahe
  • email/contact info
  • skill level
  • yarn (sukat, kulay, komposisyon)
  • kakailanganing materyal (yarn needle, etc.)
  • sukat ng crochet hook
  • gauge
  • abbreviation ng mga stitches
  • paliwanag sa mga special stitches (optional)
  • chart (optional)
  • pattern

 

Untitled2867.jpg
Pag-eedit gamit ang Adobe Indesign

4. Gumamit ng word-editing o layouting software tulad ng Microsoft Word o Microsoft Publisher. Maari ka ring gumamit ng advanced na editing software tulad ng Adobe Photoshop o Indesign kung nais mong mas makontrol ang ayos ng layout.

 

5. Wag kalimutang i-save ang file. Kung mayroon ka nang nagawang mga crochet patterns, ilipat lamang ang mga datos sa iyong template.

Sana’y maging matagumpay at mabunga ang iyong paggawa ng crochet paterns, ngayong mayroon ka nang template. Sana’y nakatulong ang gabay na ito upang mas mapadali ang iyong paglalakbay sa mundo ng paggagantsilyo.

Ito ay sample ng aking ginawang layout na ibinase ko sa mga aking nasaliksik: sampleTemplate.pdf

Ano sa iyong palagay mga bagay na dapat idagdag o ibawas na makapagpapaayos sa template? Paano magiging mas epektibo ang paghahatid ng impormasyon ukol sa mga crochet patterns? Mag-iwan lamang ng komento sa ibaba.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Taas ↑

%d bloggers like this: