15 Kagamitang Kakailanganin para sa Paggantsilyo

Nagsisimula ka pa man, may karanasan na, o nais  pa lamang matuto sa paggantsilyo, importanteng malaman ang mga kakailanganing kagamitan sa larangang ito. Sa panahon ngayon, napakaraming materyales ang ibinebenta para sa paggantsilyo, ngunit bilang lamang ang produktong may maayos na paglalarawan at pagpapaliwanag sa pabalat nito. Karaniwang wala ang mga detalye tugkol sa kung paano, bakit at  kailan ito ginagamit.

Ang mga kagamitan ay nahahati sa apat na kategoriya: Pangunahin, Pantulong, at Pandisenyo.

Pangunahin

1. Hook / Pangkawit

21930_zoom
Crochet Hook ©PurlSoho

    Ang pangkawit ay ang pangunahing kinakailangan sa paggantsilyo. Sa pamamagitan nito nakagagawa tayo ng mga tahi at buhol sa yarn. 

Para sa mga nagsisimula pa lamang, mas madaling gumamit ng crochet hook na mas malalaki (may sukat na 5mm/6mm). Mas makakatulong din ang paggamit ng pangkawit na gawa sa aluminum dahil mas madaling napapagalaw ang yarn dito. Maaari kang makabili nito sa mga bookstore, yarn shops, at online shops.

2. Yarn

img_13131
Kumpol ng Yarn ©RecipeforaYarn

    Ang yarn ay ang bumubuo sa katapusang produkto. Ito ang nagsisilbing sinulid sa paggawa ng tela. Gamit ang iba’t-ibang pamamaraan ng paggantsilyo, makakagawa tayo ng napakaraming klase ng hugis at disenyo.

    May iba’t-ibang kayarian/ kasangkapan na bumubuo sa mga yarn. Ang karaniwang nabibili ay ang cotton at acrylic. Kung nagsisimula ka pa lamang, makakatulong ang paggamit ng mapuputi/ maliliwanag na kulay, at malalaking sukat (worsted weight) ng yarn. 

    Ang karaniwang mabibili na yarn na may mataas na kalidad ay ang mga may tatak na Monaco at Red Heart.

3. Crochet Thread

rainbowCrochetThread
Sinulid Panggantsilyo ©ThePeasInOurPod

Ang Crochet thread ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng puntas, mandala, at iba pang ornamental na tela na nangangailangan ng maninipis na sinulid. Maaari din pagsamahin ang indibidwal na mga sinulid upang makagawa ng mas mapakapal ito. Ito rin ang ginagamit kung mais mo ng mas sinsin na tela.

    Maaari itong mabili sa mga bookstore at yarn shops, ngunit may kamahalan ang karamihan ng produktong ito.

4. Yarn Needle/ Pamburdang Karayom

4164MqqPI+L
Pamburdang Karayom ©Amazon

    Ito ay ginagamit upang itahi paloob ang sobrang yarn/ sinulid pagkatapos ang paggagantsilyo. Ito ang ginagamit kapag may nakita kang katagang, “sew/weave in ends.” Maaari din itong gamitin kung nais mo magtahi ng panloob na tela sa mga gawang ginantsilyo.

5. Panggupit ng Sinulid/ Thread Cutter

untitled.png
Panggupit Sinulid ©BookofJoe

    Labis itong makatutulong sa maya’t-mayang paggupit ng yarn/ sinulid dahil magaan lamang ito at madaling dalhin. Ngunit, kung nais mo ng matatalim na materyales, o kailangan mo ng diretsong paggupit, mas makatutulong ang paggamit ng gunting.

6. Medida at Ruler

1200px-Tape_measure_colored.jpg
Medida ©Wiki

    Nakatutulong ang paggamit ng medida sa pagsukat ng gauge ng sisimulang gawang ginantsilyo. Ito rin ay ginagamit upang malaman kung nakamit mo na ang inaasahan sukat at laki.

Pantulong

7. Stitch Markers/ Pang-marka ng Puwesto

Clover-Locking-Stitch-Markers
Stitch Markers ©WithWool

    Karaniwang ginagamit ang Stitch Markers upang magmarka ng puwesto sa mga disenyo na nangangailangan ng bilang na pag-uulit. Ginagamit din ito sa paggantsilyo ng pabilog na tela.

Maaaring makabili nito sa yarn shops at online stores.

8. Crochet Tally/ Stitch Counters/ Pambilang ng Tahi

2PCS-lot-Convenient-Plastic-Crochet-Knitting-Row-Counter-Round-Stitch-Tally-Knitter-Needle-Free-Shipping-181.jpg_640x640.jpg
Stitch Counters ©AliExpress

    Ito ay ginagamit upang bilangin ang linya o hilera ng ginagantsilyo. Mayroong mga proyekto na nangangailangan ng mahahaba at paulit-ulit na mga metodo. Labis na makatutulong ang paggamit nito, upang mataandaan ang bilang ng nagawa, at upang maiwasan ang pabalik-balik na pagbilang.

9. Taga-ingat ng mga Pangkawit

539a3e5e83f368275c831e537be4e6cc.jpg
Hook Case ©Pinterest

    Maaari kang gumawa ng iyong sariling lalagyan gamit ang paggagantsilyo. Mayroon ding nabibili na mga Taga-ingat ng Pangkawit sa mga crochet/ online stores. Kung wala ka pang mga pangkawit, mas mapapadali kung kukuha ka ng set na naglalaman ng 20 pangkawit sa halagang hindi bababa sa 200 php.

10. Imbakan ng mga Yarn

acreativebeing-furls-yarn-bowl-giveaway-03-960x640.jpg
Yarn Bowl ©ACreativeBeing

    Karamihan sa mga matatagal nang naggagantsilyo ay nakakaipon ng napakaraming yarn. Ang imbakan ng yarn ay maaaring maging simpleng lalagyan lamang o maaaring maging hawakan ng yarn. Labis na makatutulong kung nakahiwalay ang bawat kategorya, at may mga tatak ang bawat grupo ng yarn.

11. Libro/Magasin sa Paggantsilyo

31804.jpg
Crochet Book ©KnitPicks

    Maraming libreng disenyo ng paggantsilyo ang makikita online, ngunit kung nais mo matuto iba’t-ibang techniques sa organisadong kasangkapan, makakatulong ang mga libro at magasin sa paggagantsilyo.

    Maaari makabili nito sa mga bookstore, o kaya nama’y makadownload ng libreng mga libro na mahahanap online. 

Pandisenyo

12. Amigurumi Accessories

9mm-font-b-Safety-b-font-font-b-Eyes-b-font-For-font-b-Amigurumi-b
Safety Eyes ©AliExpress

    Ang mga pandisenyong kagamitan na tulad nito ay ginagamit sa paggawa ng mga “stuffed crochet doll,” o mas kilala sa katawagang “amigurumi.” Kabilang dito ang safety eyes, safety nose, felt decoration at iba pang bagay na dinadagdag na pandisenyo.

13. Panggawa ng Pompom

 

0751-Photo-101-2_b.jpg
Pompom Maker ©Sew4Home

    Ang kagamitang ito ay ginagamit upang mabilis na makagawa ng pompom na karaniwang inilalagay sa taas ng bonnet o beanie. Ang mga ito ay may iba’t-ibang sukat ng pagitan, mula 3 cm hanggang 9 cm na dyametro. Maaaring makabili ng panggawa ng pompom sa mga yarn/ online stores ngunit maaari ka ring gumawa ng DIY gamit ang cardboard, dito sa home-made-gifts-made-easy.

14. Blocking pins at Blocking board

82588.jpg
Blocking Mats ©KnitPicks

Ang Blocking Pins at Blocking Board ay ginagamit upang makamit ang inaasahang sukat ng tela. Ito ay nakatutulong upang banatin at inunat ang ginantsilyong bahagi upang umabot sa nais na sukat. Karaniwan itong ginagamit sa mga gawang doyli, puntas, at component blocks.

15. Fabric Stiffener, Fabric Softener, Draping Liquid

bevfabriccrafts_2164_194985977
Fabric Stiffener ©SaveOnCrafts

Ang mga ito ay ginagamit upang kontrolin ang tigas at lambot ng tela. Ang Fabric stiffener at Draping liquid ay karaniwang ginagamit sa mga doyli na ginagamit bilang ornamental na displey. Ang Fabric Softener naman ay karaniwang ginagamit upang palambutin ang magagaspang na yarn tulad ng acrylic. 

Maaari ka ring gumawa ng sariling fabric stiffener gamit ang mga karaniwang gamit sa bahay, tignan dito sa CraftingAGreenWorld.

Sana’y nakatulong ito sa iyong paglalakbay sa mundo ng paggantsilyo.

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Taas ↑

%d bloggers like this: